Advertisers
TABUK CITY, Kalinga – Mahigit pa sa P10 milyon halaga ng tanim na marijuana ang sinunog sa kabundukan ng Tinglayan dito sa lalawigan sa tatlong araw na operasyon laban sa iligal na droga.
Sinabi ni Kalinga Provincial Police Director, Col. Davy Limmong, ang magkakasunod na operasyon na tinawag na Oplan Pangkulin at Oplan Manfangu ay isinagawa ng Kalinga Provincial Police Office at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEAD)-Cordillera nitong Nobyembre 15-17.
Sa unang operasyon sa sa Barangay Loccong, Tinglayan, mahigit sa 20,000 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P4 milyon ang binunot sa 2,000 metro kuwadradong lupain, at sa ikalawang operasyon ay binunot naman ang aabot sa 625 puno ng marijuana na nagkakahalaga ng P25,000.00.
Nadiskubre naman sa Sitio Balay, Brgy. Tulgao West ang may 50 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na aabot sa P6,000,000.00.
Kaagad na sinunog ang nasabing iligal na droga upang hindi na mapakinabangan.