Advertisers

Advertisers

Kernel na nanaksak ng kainumang kabaro sinibak

0 295

Advertisers

SINIBAK na sa puwesto ang isang opisyal ng Regional Mobile Force Battalion ng Police Regional Office (PRO) 5 (Bicol) matapos nitong saksakin ng basag na baso ang mata ng isang tauhang pulis na naka-inuman sa loob ng kanilang kampo sa Legazpi City, Albay.

Kaagad inilipat sa Administrative and Resource Management Division-Personnel Holding and Accounting Section sa Pasay City headquarters si Regional Aviation 5 commander Col. Dulnoan Dinamling Jr., batay narin sa kautusan ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group (Avsegroup) nitong Nobyembre 15.

Kaagad namang inirekomenda ni PRO-5 Director, Gen. Jonnel Estomo, ang pagsasampa ng kasong administratibo laban kay Dinamling nang saksakin ng basag na bote ang kaliwang mata ni Sgt. Ricky Brabante habang nag-iinuman sila sa loob ng Camp Simeon Ola sa Legazpi City, nitong Nobyembre 12.



“We maintain the integrity of the investigation giving equal rights to both parties involved. Rank may have its privileges but it can never justify abuse of power and drunken misconduct. Col. Dinamling will have to face the consequences of his actions,” pahayag ni Estimo.

Kaagad namang bumuo si PNP Chief, Gen. Dionardo Carlos, ng Special Investigation Task Group upang imbestigahan ang kaso.