Advertisers

Advertisers

2 kotse nag-dive sa ginagawang tulay sa Cavite: 1 patay, 5 sugatan

0 270

Advertisers

NASAWI ang isa katao at 6 ang sugatan nang magkasunod na nahulog ang dalawang kotse sa ginagawang tulay sa Tanza, Cavite.

Ang unang aksidente ay nangyari Linggo ng gabi kungsaan nahulog ang itim na kotse sa Obispo Bridge nang hindi makita ng driver ang “Bridge Under Repair” sign na nakapaskil sa madilim na lugar.

“Medyo nakainom ‘yung tatlo eh. Nag-inuman daw sila eh. Galing sila sa Maragondon.



Pinsan nila ‘yung mayor ng Maragondon. Taga-Quezon City,” sabi ng barangay kapitan na si Anthony Arbis ng Amaya Dos patungkol sa mga biktimang bumangga sa concrete barrier.

“Sa lahat ng magdaraan papuntang Manila to Naic, Maragondon or Ternate, pagdating sa Soriano Highway ay magdahan-dahan po tayo dahil may ginagawang tulay sa kasalukuyan. Kita niyo naman siguro naka-open talaga siya. Ang nakapaligid sa kanya ay drum lang. Maaaring mag-cause talaga ng aksidente,” paalala ng barangay official.

Samantala, makalipas ang ilang oras ay may sumunod na kotseng nahulog din sa nasabing tulay, Lunes ng madaling araw.

Lulan nito ang tatlong magpamilya kungsaan isa rito ay bata at isa ang nasawi.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">