Advertisers

Advertisers

Dambuhalang X-mas tree pinailawan sa Maynila

0 198

Advertisers

Bilang tradisyon at simbolo ng pag-asa na nagbibigay inspirasyon sa bawat isa sa kabila ng anumang pagsubok para ituloy ang buhay, inilawan ang Christmas tree sa may Kartilya ng Katipunan sa tabi ng Manila City Hall, nitong Lunes ng gabi.

Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, na kasalukuyang aspirante sa pagka Pangulo sa 2022 polls sa ilalim ng Aksyon Demokratiko, running mate Doc. Willie Ong, kasama sina Vice Mayor Honey Lacuna at iba pang opisyal at department heads ng pamahalaang lungsod.

Kaalinsabay sa Christmas tree lightning ang pagpapailaw sa Rizal Monument, Intramuros, National Museum, Manila Post Office at Metropolitan Theatre.



Ayon kay Domagoso, ganitong panahon din nang buksan ang Christmas Tree noong nakaraang taon kung saan kasagsagan ng pandemya at marami ang nasawi dahil sa Covid-19 virus.

Ayon kay Moreno, maraming dinaranas na hirap ang buhay ng mga Manilenyo, bagay na hindi susukuan tulad nang paulit-ulit niyang sinasabi.

” Huwag tayo susuko, kaya natin talunin si Covid-19,” ayon kay Domagoso.

Paalala naman ni Lacuna na bagama’t ipinagdiriwang ang diwa ng Kapaskuhan at nag-e-enjoy sa pagsha-shopping, dapat pa rin tandaan at isipin ang pagsunod sa health protocols dahil hindi pa rin nawawala ang Covid-19.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">