Advertisers
DATI isinulat na natin ang pagtataka na wala sa mga aktibong manlalaro sa PBA ang may lakas ng loob isapubliko ang kanilang kuro-kuro hinggil sa isyung mga socio-politikal. Imposibleng silang lahat ay walang pakialam. Pwedeng takot o nahihiya lang ihayag.
Nakakahiya sila kung ihahambing sa mga artista na aktibong mga boses. Kapwa lang naman nakakontrata mga taga-showbiz at mga sports hero sa kanilang mga mother studio o franchise. Yung mga taartits nga may mga tv ads pa nguni’t hindi sila pipi at bingi mga sa nakikita nilang pagmamalabis.
Yung mga taga-NBA na idolo ng mga taga-PBA ay hindi kayang tularan sa aspetong ito.
May mga ex-player gaya ni Fritz Gaston na matapang na nagpopost sa social media ng kanyang saloobin.
Di pabor ang nagkampeon noon sa U-tex sa mga nagaganap at pinili niyang suportahan si VP Leni sa pagkapangulo.
Nitong Miyerkules ay napansin natin may larawan sa Facebook ang mga taga-San Miguel Corporation na mga naka-pink.
Hindi naman tayo basta naniwala. Nagsaliksik tayo ng karagdagan info. Napag-alaman natin na totoo ito.
Ang letrato ng mga 30 na empleyado sa hagdanan ay tunay at siguro uulitin pa nila sa sususnod na Pink Wednesday bilang suporta sa biyuda ni Jesse Robredo. Nandoon pa ang isang mataas na opisyal ng beer division.
Tingnan natin kung matuloy pa ito ng ilang beses at hindi pipigilan ng mga big boss.
Ibig sabihin mas may balls ang mga kawani kaysa sa mga cager ng higanteng kumpanya. O mas mapangahas ang mga pinuno ng staff kaysa sa sports organization nila sa pro league.
Pareho naman mga Pilipino na dapat may paki sa mga nangyayari sa paligid. Nasa ilalim din yang mga iyan ni RSA.
Maaaring tolerated o may basbas pa.
Pwede rin testing the waters. Abangan sa mga darating na araw.
***
Kung hindi nagwagi ang Lakers kahapon ay patuloy na hihingin ni Tata Selo na i-trade si Russell Westbrook. Magaling daw pero hindi bagay sa LA. Mabuti nanalo kahapon kontra sa Pistons kung hindi ay parang ang duguang si Isiaiah Stewart na magwawala si Tatang.
Mukhang nakaigi ang ejection si LeBron James kasi nasolo ni Westbrook ang ballhandling chores.
Nguni’t sa laki ng suweldo ni Russell ay baka walang kumagat na team sa palitan.