Advertisers

Advertisers

PNP AT PDEA IIMBESTIGAHAN ANG ‘ADIK’ NA PRESIDENTIABLE!

0 495

Advertisers

MAGSASANIB-PUWERSA ang Philippine National Police at ang Philippine Drug Enforcement Agency sa pag-imbestiga sa isang presidential aspirant na gumagamit umano ng cocaine.

Ayon kay PNP Chief, General Dionardo Carlos, nasimulan na ng PDEG ang pagbeberipika ng naturang impormasyon at nangangalap na ng mga ebidensya.
Paliwanag niya, nagbibigay ng update sa kanya ang PDEG pero maghihintay muna sila na makumpleto ang imbestigasyon bago isapubliko ang resulta.

Nakikipag-ugnayan din ngayon ang PDEG sa Intelligence Group para ma-validate ang nasabing report.



Dagdag pa ni Carlos, aalamin nila sa Malakanyang kung saan nanggaling ang impormasyon dahil hindi naman sila basta-basta pwede dumirekta sa Pangulo.
Wala namang time-frame na ibinigay si Carlos sa PDEG para sa imbestigasyon dahil nagiging maingat sila sa pagkumpirma nito.

Pagtiyak niya na sa sandaling validated na ang ulat magkakasa sila ng operasyon.
Tumanggi si Carlos sabihin kung may natanggap silang impormasyon hinggil sa isang presidential bet na gumagamit ng cocaine.

Samantala, hinimok ng PNP Chief ang lahat ng kandidato na sumailalim sa drug test para mabatid ng publiko na drug free ang isang kandidato.

Pero nilinaw ni Carlos na hindi nila hinahamon ang mga kandidato na sumailalim sa drug testing dahil “free will” o boluntaryo lamang ito.

Aniya, sa panig ng PNP, regular random drug testing ang kanilang isinasagawa para patunayan na drug free ang mga pulis.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">