Advertisers

Advertisers

Rebelde sa Cagayan timbog sa Bulacan

0 222

Advertisers

CAMP MARCELO A. ADDURU, Tuguegarao City – Inaresto ng mga awtoridad ang isang kaanib ng New People’s Army (NPA) na nakabase sa Cagayan Valley sa ikinasang operasyon sa Bulacan kamakailan.

Nasa kustodiya na ng Isabela Provincial Police Office si Arcadio Tangonan alyas “Mariano Ramos” na miyembro ng Intelligence Office ng Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley (KR-CV).

Sa imbestigasyon ng Police Regional Office 2 (PRO2), dinakip si Tangonan sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Alfred Alex Castillo ng 2nd Judicial Region, 6th Municipal Circuit Trial Court, Benito Soliven-San Mariano, Isabela sa kasong attempted homicide (2 counts) at direct assault.



Binanggit pa ng pulisya na hindi na nakapalag ni Tangonan nang salakayin ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDG)-Bulacan Provincial Field Unit, San Mariano Police, Isabela Provincial Polcie Office, CIDG-Nueva Vizcaya at 1st Provincial Mobile Force Company -Nueva Vizcaya ang bahay nito sa Malolos, Bulacan nitong Sabado ng umaga.