Advertisers

Advertisers

Wagas na pag-ibig: Bride pinakasalan ang pinatay na groom

0 624

Advertisers

NANG mapatay ang sana’y groom ilang linggo bago ang kasal, itinuloy parin ng isang bride sa Bulacan ang pag-iisang dibdib sa burol ng lalaki.

Sa isang viral social media post, itinuloy ni Gileen Gutierrez ang kasal sa yumaong partner na si Marco Luis Dayao sa burol nito noong Huwebes.

Sa ulat, pinagbabaril si Dayao sa labas ng bahay nila noong Lunes.



Ang kasal ng dalawa ay nakatakda sana sa Disyembre 19.

Kaya naman sa burol ni Dayao sa Father’s Cradle Memorial Chapel sa Malolos City itinuloy parin ni Gutierrez ang kanilang pagpapakasal.

Sa pagkapatay kay Dayao, naulila rin ang dalawa nilang anak ni Gutierrez.
Dinamayan ng mga kapamilya at kaibigan si Gutierrez sa araw ng isinagawa nilang kasal.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang mga posibleng salarin sa pagpatay kay Dayao.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">