Advertisers

Advertisers

COVID-19 vaccines para sa mga 12-anyos pababa available bago matapos ang taon – FDA

0 182

Advertisers

POSIBLENG bago matapos ang taong ito ay maging available na sa bansa ang COVID-19 vaccines para sa mga batang below 12-years old.

Sa isang pulong balitaan nitong Martes, sinabi ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo na nagpasabi na ang Pfizer at Sinovac na naghahanda ng mga kinakailangang datos at requirements hinggil dito.

Umaasa naman si Domingo na makapagsusumite agad ang Pfizer ng aplikasyon para sa emergency use authorization (EUA) ng COVID-19 vaccines para sa mga menor de edad na nasa apat hanggang 11-taong gulang.



Samantala, kinukumpleto naman na aniya ng Sinovac ang kanilang datos sa bakuna para sa mga batang nagkakaedad ng below 18-years old na isusumite sa mga eksperto sa bakuna.

Matatandaang sa kasalukuyan ay nagdaraos na ng pediatric vaccination program ang pamahalaan para sa mga menor de edad na nasa 12 hanggang 17-anyos.

Ani Domingo, base sa nakita niyang datos, nakapag-administer na ang pamahalaan ng Pfizer at Moderna COVID-19 vaccines sa may 500,000 eligible minors.

Ang naitala aniya nilang adverse events ay wala pang isang porsiyento ng mga nabakunahan at karaniwang mild lamang ito.

ng pinakamalala na aniya na naitala nila ay allergies at may isa pa aniya na nag-hyperventilate. (Andi Garcia)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">