Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 1,153 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Martes, Nobyembre 23.
Samantala ay mayroon namang naitalang 2,182 na gumaling at 195 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.7% (18,721) ang aktibong kaso, 97.7% (2,761,617) na ang gumaling, at 1.68% (47,482) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, 2 mga laboratoryo ang hindi operational noong November 21, 2021 habang mayroong 8 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 10 labs na ito ay humigit kumulang 2.0% sa lahat ng samples na naitest at 2.2% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)