Advertisers
CAGAYAN – Nasa kritikal na kalagayan ang isang Barangay Kagawad nang pagtatagain ng naburyong na ka-barangay sa Burot, Allacapan dito sa nasabing lalawigan.
Hindi pa matiyak ang tunay na kalagayan ng biktimang si Redendo Unida, 39 anyos, na isinugod sa Far North Luzon Hospital.
Sa report, naka-duty si Unida at kampanteng nakaupo sa harap ng kanilang barangay hall 8:30 ng umaga nang dumating ang salarin na si Roger Osillos, 43, na armado ng itak at walang kaabog-abog na pinagtataga ang kagawad.
Sa pagresponde ng pulisya, agad na naaresto si Osillos. (REY VELASCO)