Advertisers
MULING nagkasa ng kilos protesta ang mga healthcare worker mula sa pampublikong hospital sa tanggapan ng Department of Health (DOH).
Ito’y upang ipanawagan ang allowances at benepisyo sa pagta-trabaho sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Kabilang sa nagkilos protesta ang health workers mula sa Tondo Medical Center, Jose Reyes Memorial Medical Center, at mga miyembro ng Alliance of Health Workers.
Muling kinukuwestiyon ng mga nagkilos-protesta si Health Secretary Francisco Duque III dahil sa hindi pa naibibigay na 70% na bahagi ng ipinangako nitong allowances at benepisyo para sa mga nagtatrabaho ngayong may pandemya.
Iginigiit ng health workers kung bakit hindi pa ito naibibigay ng DoH gayong sa press releases ni Duque ay ipamamahagi na ito sa lalong madaling panahon.
Tanong ng ilan sa health workers, ano ang gagawin ni Duque sa naiwang higit P10 bilyong pondo bilang Special Risk Allowances (SRA) at Hazard Pay ng health workers.(Jocelyn Domenden)