Advertisers

Advertisers

3 patay, 5 sugatan sa drag racing

0 136

Advertisers

CAGAYAN DE ORO CITY – Tatlo katao ang nasawi at lima ang sugatan nang mauwi sa aksidente ang drag racing ng mga motorsiklo sa Purok-5, Barangay Cabangahan, Malaybalay City, Bukidnon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Florendo Cababat Jr., 21 anyos, ng Barangay Mailag, Valencia City; Kert Sabas Togle, 16, ng Purok-17, Poblacion Valencia City; at Abegail Manalo, 22, ng Dinagat Island, Surigao Del Sur.

Ayon kay SSgt. Rusty Fuentes, traffic investigator ng Malaybalay City Police Station, gabi ng Nobyembre 22 nang naganap ang insidente sa Purok-5, Barangay Cabangahan.

Sinabi ni Fuentes na nasa 20 drag racers ang lumahok sa karera ng motorsiklo nang mahagip nila ang isang multicab dahilan para magkarambola ang mga sasakyan na nagresulta sa pagkamatay ng tatlo kasama si Manalo na sakay ng multicab.

Matapos ng insidente, mabilis na tumakas ang mga kasama nina Cabatbat at iniwan na nakahandusay sa kalsada ang mga duguang kasamahan.

Dinala sa ospital ang mga biktima pero patay na ang tatlo, habang patuloy na inoobserbahan ang limang sugatan.

Hinahanap ng pulisya ang iba pang sangkot sa illegal drag racing.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More