Advertisers

Advertisers

Lloydie father role na ang gagampanan sa balik-TV

0 311

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

NAGSALITA na rin si John Lloyd Cruz tungkol sa matagal niyang pagtigil sa showbiz at  mas piniling mamalagi sa El Nido, Palawan. Lahat ng itanong sa kanya ni Jessica Soho sa exclusive interview nito sa show na Kapuso Mo, Jessica Soho ay kanyang sinagot nang diretso.

“It  was  the right  time to be kind to myself  to start some healing. It was  the right  time to start  the journey  of  unlearning,” simula ni JLC.



“Before that kasi, more than two decades  akong kayod nang kayod, non stop. Then I  found myself on the beautiful  island  of  El Nido.

“Nang  unang mag-stay  ako roon, parang natulala ako sa paligid  ko. Gusto ko lamang tumahimik noon, kaya iyon ang reason kung bakit gusto kong bumalik  nang bumalik doon,” pahayag pa niya.

Kapansin-pansin kay Loydie ang saya habang binibigyan siya ng instruction ni Ms Jessica para sa ipagagawa sa kanya ng programa. Hindi  rin ikinaila ni JLC ang saya  sa pag-iisang dibdib ng dating girlfriend na si Ellen Adarna kay Derek Ramsay.

“Finally, she found the one,” aniya sa pagpapakasal nina Ellen at Derek.

Ipinagtagat din ni Llodie kay  Jessica na maingat siya pagdating sa pagbibigay ng pahayag  tungkol sa ina ng kanyang anak na si Elias Modesto pero hangad niya ang kaligayahan nina Ellen at Derek.



“I have to put  it  in context  and i  have to be very careful because  that`s  her  life.  Nagsisimula at natatapos sa anak namin yung aking masasabi   patungkol  sa kanya or  sa buhay. Kaya when talking about her, I  need  be  very careful.

“Siyempre, sincerely, I  wish her  all  the happiness in the world  and I  wish  them  both  a  strong  and fun marriage. Kasi  vital  yun sa welfare  at sa growth  ng anak ko,” aniya.

Tungkol naman sa first project na gagawin niya bilang isang Kapuso ay father role ang gagampanan niya.

So, inspired ito sa kanyang buhay?

“Siguro. Para mabawasan ang pagka-miss ko sa kanya (Elias) kapag hindi kami magkasama, kapag nasa trabaho ako,” say pa ni Lloydie.

Sa tanong kung anong klase siyang ama sa anak nila ni Ellen na si Elias Modesto?

“Sana, may kuwenta,” aniya. “As much as possible, I  try to bring  him closer  to nature, kung saan may alon, mahilig siya sa animal.”

***

25th year ng Bubble Gang sa Friday

Parang kailan lang nagbibigay kasiyahan ang Bubble Gang barkada. Hindi akalain ng BG barkada na naka-25 years na sila na nagbibigay kasiyahan sa televiewers.

Ayon kay Michael V, hangga`t  may mga nagtatawanan at napapasaya ang Bubble Gang na napapanood every Friday sa GMA 7 at 10: 20 pm ay patuloy silang magbibigay kasiyahan.

Ikinalungkot ng BG barkada ang pagyao ng kanilang director na si Bert de Leon. Iniaalay nila ang 25th anniversary celebration ng longest running gag show sa television kay direk Bert.

Alam ng barkada na hangad ni Direk Bert  na mas maging masaya at makapagbigay pa sila ng magandang kasiyahan sa lahat ng followers ng gag show. Kaya naman patuloy silang magsisikap para mabigyan pa ng mas kaabang-abang na iba`t ibang gag segment ang show.

Hangga`t  nandiyan si Michael V at barkada ay tuloy ang pagbibigay kasiyahan ng Bubble Gang barkada.