Advertisers

Advertisers

Valerie pinayuhan si Angel, dedmahin ang basher

0 123

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

BAGO pa man napayuhan ni Valerie Concepcion si Angel Locsin ay naresbakan ng misis ni Neil Arce ang basher.

Nagkomento kasi si Angel sa kasong isinampa sa founder ng Kingdom of Jesus na si Apollo Quiboloy sa US prosecutors sa kasong sex trafficking.

Sangkot din ang kasamahan ni Quiboloy sa religious organization sa pang-abuso sa kabataang babae.

Ayon sa komento ni Angel na kailangan protektahan ang kabataang kababaihan na  na-rape post pa sa socmed ng aktres.

Pero may isang basher naman ang nambasag kay Angel na nagsasabing malinis ka.

Di ba ikaw ‘yung sa GMA-7 na tumatakas para makipagkita sa dyowa para makipagdyugdyugan kahit itanong pa raw kay Valerie.

Resbak naman ni Angel na huwag nitong ipangalandakan ang imbento nitong kuwento at kahit i-tag pa niya si Valerie.

At hindi naman daw ikakamatay ni Angel ang imbentong tsismis ng basher at magdasal nga raw ito ayon sa aktres.

Ayon naman kay Valerie, huwag na lang pansinin ni Angel dahil isa nga raw itong troll at wala lang magawa sa buhay.

***

Cassy Legaspi, nanawagan sa kanyang IG sa pagka-hack ng FB

IPINAALAM na nga ni Cassy Legaspi sa kanyang followers sa IG na na-hack ang kanyang FB page account.

Hindi na nga raw nito mabuksan ang kanyang Facebook page.

Kaya ipinaalam niya sa kanyang followers na dedmahin na lang nila kung ano ang mabasa nilang post.

Nagpo-post mga raw ang hacker ng kung anu-ano kaya panawagan ni Cassy na huwag na itong pansinin.

Marami naman ang nanghinayang sa FB page ni Cassy.

Halos 7.3M na ang followers ng nasabing FB page ni Cassy.

Mahirap nga raw makaabot ng milyun-milyong followers sa FB kaya naman nanghihinayang si Cassy.

Basta pakiusap nito sa post sa kanyang IG na dedmahin or huwag na lang pansinin kung anuman ang makitang post.

Hindi na nga raw si Cassy ang gumagamit ng kanyang FB kungdi isang hacker.

Well, well, well…’Yun  na!

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More