Advertisers

Advertisers

Pahabaan ng caravan ang presidentiables

0 293

Advertisers

BUKOD sa paramihan ng post sa social media,  nagkokontis din sa pahabaan ng caravan ang mga presidentiable para sa ‘22 Eleksyon.

Sa anim na sikat na presidentiables, tatlo ang masigasig magsagawa ng caravan araw-araw sa kung saan-saang lalawigan. Ito’y sina dating Senador Bongbong Marcos, Vice President Leni Robredo at Manila Mayor Isko Moreno.

Samantalang tahimik lang na umiikot ang grupo nina Senador Ping Lacson, Sen. Manny Pacquiao at Sen. Bong Go.



Inanunsyo pa ng trolls ni Marcos na kinilala ng Guinnes Book of World Records bilang longest caravan ang ginawa ni BBM sa kanyang balwarte, Ilocos Sur, kungsaan nasa 22,000 plus daw ang sumama.

Pero ito’y kaagad pinabulaanan ng Guinnes. Wala raw silang inanunsyo o tala tungkol sa longest caravan ni Marcos.

Ipinakita rin Robredo ang kanilang lakas, nagsagawa ng napakahabang caravan sa Bikol, Mindoro at Iloilo.

Nagsagawa rin si Robredo ng walkathon sa Isabela. Mahigit 2K raw ang sumama.

Ipinost pa nila sa social  media ang makapal na alon ng mga naka-pink sa kahabaan ng highway.



Hindi rin nagpapatalo si Isko. Napupuno rin ng mga naka-kulay asul ang highway, kilometro rin ang haba ng kanilang mga caravan sa Metro Manila hanggang Laguna, Rizal at Batangas.

Si Pacquiao naman ay dinudumog sa kanyang mga pi-nupuntahang lugar.

Namimigay kasi ito ng tig-P1K plus food packs. Kung ang lahat ng dumadalo sa event ni    Pacquiao ay boboto sa kanya, may panalo nga siya. Mismo!

Samantalang si Bong Go ay sa mga LGU dumidiretso kasama si Pangulong Rody Duterte. Kung sinusunod pa si Duterte ng kanyang DDS, no body but Go ang mana-nalo.

Pero kung ang mga caravan ang pagbabasehan ng lakas, sina BBM at Leni lang ang mahigpit na maglalaban.

Maingay sa social media ang supporters ni BBM, mga nagmumura pa, parang mga DDS. Hehehe… Habang ang kay Leni ay tahimik lang at magalang makipagsagutan sa supporters ng ibang presidentiable.

Kung ang suppoters ni BBM ay ‘yun lang ding bomoto sa kanya noong 2016, matatalo uli siya kay Robredo na nakaungos sa kanya noon ng higit 263,000 boto.

Posible pang mabawasan ang boto noon ni BBM dahil dito kina Bong Go, Isko at Pacquiao. Baka nga maungusan pa siya ni Bong Go na unti-unti nang nagkakaroon ng numero habang papalapit ang halalan, Mayo 9, 2022.

Kapag nagsimula ang opisyal na kampanya sa Marso sa nasyunal at Pebrero sa lokal, masisilip na natin kung sino ang susunod na Presidente ng bansa. Subaybayan!

***

Pinaaalis na ng China ang nakabarang barko ng Pilipinas, BRP Siera Madre, sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.

Sabi ng Foreign Ministry spokesman ng China na si Zhao Lijian, dapat nang sundin ng Pilipinas ang “commitment” na alisin ang nakabarang military ship sa Ayungin Shoal.

Ang BRP Siera Madre ay nakabara sa naturang bahura simula pa 1999. Ito ang himpilan ng ating mga sundalo na nagbabantay sa lugar, patunay na ito’y sakop ng Pilipinas.

Kaya isang malaking katanungan ngayon ang “commitment” na sinasabi ng China. Sino kaya ang gumawa ng naturang commitment? Alamin!