Advertisers
IBINASURA ng Supreme Court ang petition for mandamus para hilinging obligahin si Pangulong Rodrigo Duterte na idepensa ang teritoryo ng bansa kabilang na ang West Philippine Sea.
Batay sa siyam na pahinang desisyon, unanimous o lahat ng mga mahistrado ang bumoto para ibasura ang petisyon dahil sa kawalan ng merito.
Sa desisyong may petsang November 22, ibinasura ng kataas-taasang hukuman ang petisyon ng abogadong si Romeo Esmero.
Ipinunto ng Supreme Court (SC) na immune from suit o hindi puwedeng kasuhan ang presidente habang ito pa ay nanunungkulan kahit ano pang kaso ang isampa sa kanya.
Sa petisyon, tanging ang Pangulong Duterte lamang ang correspondent sa kaso kaya naman kailangang agad itong ibinasura.
Paliwanag pa ng SC, kahit daw ikonsidera ang kaso laban sa isang representative, ang mandamus na siyang ginamit para obligahin ang aksiyon ng pangulo ay hindi pa rin ito papabor sa petitioner.
Dagdag ng high court, malaya naman daw ang Pangulong Duterte na gamitin ang kanyang diskresyon para aksiyunan ang sigalot sa pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea.