Advertisers

Advertisers

Itinayong pader sa kalsada sa bilibid, giniba ng mga residente

0 321

Advertisers

GINIBA ng mga residente ang isang pader na tinayo ng mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) nitong Biyernes sa Muntinlupa City.

Nabatid sa administrator ng Muntinlupa City Hall na si Allan Cachuela, nagulat sila nang muling magtayo ng isa pang harang ang BuCor sa isang pangunahing kalsada sa lungsod.

Kung saan nilagyan ng pader na gawa sa hollowblocks ang kalsada at walang sasakyan ang nakadaan.



Sinabi ni Cachuela ang naturang kalsada ay nagdurugtong sa mga residente ng Katarungan Village I at Katarungan Village II sa city proper kaya marami ang naapektuhan.

Bukod dito ay apektado rin ang Muntinlupa National High School Main at Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa.

Napag-alaman na walang koordinasyon ang BuCor sa pamahalaang lungsod Muntinlupa tungkol sa pagpapasara sa daan.

Kung kaya’t nagtungo sa lugar si Cachuela kasama si Cong. Ruffy Biazon at Barangay Captain Allen Ampaya.

Humarap naman sa kanila si BuCor spokesperson Gabriel Chaclag na tumanggi munang magbigay ng pahayag sa media.



Magiging malaking problema kapag natuloy na maipasara ang kalsada.

Matapos ang maikling pag-uusap ng mga opsiyal, sinabi ni Biazon na nangako naman ang BuCor na makikipag-coordinate na sa susunod.

Nabatid na ang  naging aksiyon ng BuCor  ay may kinalaman sa seguridad, ngunit  para sa city officials naman ay para sa kapakanan ng mga residente.(Gaynor Bonilla)