Advertisers

Advertisers

Recruiter ng terror group patay sa engkuwentro

0 236

Advertisers

POLOMOLOK, COTABATO – Patay ang isang recruiter at spotter ng Dawlah Islamiyah terror group habang nakatakas ang mga kasama nito nang manlaban sa mga awtoridad na pagsilbi ng warrant of arrest laban sa mga ito.

Kinilala ang nasawi na si Esmael Sambial, umano’y spotter/recruiter ng Ali Boy Nilong terror group sa Barangay Basag, T’boli at iba pang barangay sa Polomolok.

Batay sa report ng Polomolok South Cotabato-PNP, naganap ang engkuwentro sa Sitio Bio, Brgy Lapu, T’Boli.



Ayon sa pulisya, magsisilbi sana ang operatiba ng warrant of arrest laban kina Sambial at lider nitong si Zadee Nilong alyas Ali Boy Nilong , sa Rancho Buenaventura sa Brgy. Aflek. Subalit nakatunog ang mga suspek sa presensya ng mga pulis kaya mabilis silang tumakas kasama ang 15 armadong miyembro. Nauwi sa habulan ang operasyon hanggang sa magkaputukan at tinamaan si Sambial.

Nakuha sa lugar ng pinangyarihan ng engkuwentro ang kalibre .38, mga bala, pin ng granada, isang pakete ng shabu, mga drug paraphernalia, mga ID at personal na kagamitan.