Advertisers

Advertisers

Tarpaulin ng kandidato sa Bulacan, naligaw sa Valenzuela

0 271

Advertisers

NALIGAW ang isang tarpaulin ng kandidato mula Bulacan na nakalagay sa isang poste sa Valenzuela City.

Si Mayor Rex Gatchalian mismo ang nag-ulat ng pangyayari sa kanyang Twitter account nitong Sabado.

“Dahil lumagpas po sila sa boundary ng Bulacan and Valenzuela…at naligaw sa poste ng ilaw sa Valenzuela…binalik namin sila sa Bulacan,” saad ni Gatchalian sa kanyang post.



Batay sa larawang ipinost ni Gatchalian, pag-aari ang tarpaulin nina Bulacan Vice Gov. Willy Sy-Alvarado at dating gobernador Jonjon Mendoza.

Sina Sy-Alvarado at Mendoza ang magtatambal sa tangkang pamunuan ang lalawigan sa 2022.