Advertisers
DALAWANG miyembro ng New People Army (NPA) ang nasawi nang makaengkwentro ang militar sa Rizal, Occidental Mindoro.
Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng 2 nasawing rebelede na miyembro ng Southern Tagalog Regional Party Committee.
Ayon kay MajOR Kim F. Evangelista, spokesman ng 2nd Infantry Division, 4:35 ng hapon nang makaengkwentro ng mga elemento ng 4th Infantry Battalion ang ‘di batid na bilang ng mga rebelde sa Sitio Ibok, Brgy. Manoot, Rizal.
Nagpapatrolya ang mga sundalo nang masabat ang mga rebelde na naglalatag o nagtatanin ng mga bomba sa mga gilid ng daan sa lugar at nagsimula ang bakbakan.
Tumagal ang engkwetro ng ilang minuto, nagresulta ng pagkasawi ng 2 rebelde habang tumakas sa iba’t ibang direksyon ang ibang kasamahan ng mga ito.
Narekober ng mga sundalo ang 2 caliber 38 revolvers, 2 improvised devices, personal belongings at subversive documents.
Ang labi ng dalawang nasawing rebelde ay i-turn over sa lokal na pamahalaan upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga ito. (Mark Obleada)