Advertisers

Advertisers

4 most wanted sa Bulacan timbog

0 214

Advertisers

ARESTADO ang apat na most wanted persons sa San Jose Del Monte, Bulacan.
Kinilala ang mga nadakip na sina Jaymil Manalili, 27 anyos; Francis De Leon Ariola, 23; Kenneth Masong, 25; at Jestony Demetrio, 31.

Sa impormasyong nakuha ng SJDM Police, naaresto ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest mula sa RTC Branch 19, 9,12 at 21 sa Malolos City na isinilbi ng mga otoridad sa magkakahiwalay na lugar sa lungsod.

Si Manalili ay may kasong robbery, si De Leon nahaharap sa 5 counts carnapping, at si Masong nahaharap sa kasong droga, habang si Demetrio ay nahaharap sa 2 counts rape.



Nakakulong na ngayon sa SJDM Custodial Facility ang mga naarestong wanted.