Advertisers
NASAWI ang isang babaeng nagbibisikleta nang mahagip at magulungan ng truck sa Pamplona Uno, Las Piñas City, madaling araw ng Nobyembre 21.
Dead on the spot ang biktimang si Lanie Gatdula, 23 anyos, dahil sa matinding epekto ng pagkakabangga.
Nakuhanan ng CCTV at ng dashcam ng sasakyang nasa likod ng truck ang pagkahagip sa biktima.
Makikita rin ang pagkahandusay ng biktima sa kalsada.
Hindi huminto ang truck driver at nagtuloy-tuloy lang ito hanggang sa makatakas.
Ayon sa pulisya, hirap silang matunton ang truck driver dahil hindi nakuha ang plate number nito.
Ayon sa pamilya ng biktima, magde-deliver lang ng paninda si Lanie sakay ng kanyang bisikleta.
Naulila ng biktima ang kanyang asawa at dalawang anak.
Lubos ang pagluluksa at pananawagan ng pamilya ni Lanie sa hustisya upang mapanagot ang may sala.