Advertisers
TINIRA ng dalawang holdaper ang isang Petron gasoline station sa Abenojar Street, kanto ng Central Avenue, Barangay New Era, Quezon City.
Sa imbestigasyon ng mga tauhan ng Holy Spirit Police Station 14 ng Quezon City Police District (QCPD), sakay ng isang motorsiklo ay tinangay ng dalawang holdaper ang P60,000 cash kasama ng isang unit station phone na nagkakahalaga ng P5,000.
Nabatid na ida-drop na ng supervisor ng Petron na si Realyn Lorica ang kanilang kita sa maghapon nang sumulpot ang dalawang lalaki na magkaangkas sa Yamaha Mio at agad siyang tinutukan ng baril at mabilis na nilimas ang nasabing halaga, maging ang cellphone ng biktima.
Mabilis na tumakas ang mga holdaper pero nadakip sa follow up operation ng mga otoridad.