Advertisers

Advertisers

Lay minister patay sa palengke

0 375

Advertisers

PATAY ang isang lay minister nang pagbabarilin sa loob ng palengke sa Cebu City, Linggo ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Danilo Vestil Bacalso, 68 anyos, ng Sitio Colo, Barangay Inayawan ng lungsod.

Sa report ng Pardo Police Station, 1:00 ng hapon nang maganap ang krimen sa loob ng palengke.



Lumabas sa imbestigasyon, naglalakad ang biktima sa loob ng palengke nang sumulpot ang salarin at pinagbabaril ang biktima na tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan at ulo. Mabilis na tumakas ang salarin.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen.