Advertisers
NAPAGKASUNDUAN ng mga Metro Mayors na muling ipatupad ang number coding scheme sa Metro Manila.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos, muling ipapatupad ang number coding scheme mula Lunes hanggang Biyernes, 5pm hanggang 8pm, o sa tuwing rush hour.
Epektibo lamang ito para sa mga pribadong sasakyan at hindi sakop ang mga pampublikong sasakyan dahil na rin sa kakapusan sa transportasyon.
Sisimulan ang implementasyon ng number coding scheme matapos ang ikalawang araw simula ng mai-publish ito sa Official Gazette.
Ang Metro Manila ay kasalukuyang nasa Alert Level System 2 hanggang ngayong araw (Nobyembre 30). (Jonah Mallari)