Advertisers

Advertisers

Pharmally officials kulong sa Pasay City Jail

0 270

Advertisers

TINIYAK ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na walang magiging special treatment sa mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na sina director Linconn Ong at corporate secretary na si Mohit Dargani.

Sinabi ni BJMP spokesman J/Chief Insp. Xavier Solda, ituturing pa rin nilang karaniwang bilanggo ang mga ito.

Gayunman, inamin ni Solda na isa ang Pasay City Jail sa mga congested facilities sa buong bansa.



Matatandaang noong 2018, may inmate na namatay at anim na iba pa ang naospital dahil sa init na dulot ng siksikan ng mga bilanggo sa naturang kulungan.

Sa ngayon ay may 1,000 percent congestion rate ang Pasay jail, ngunit wala raw silang magagawa kundi tanggapin ang ipinapasok na mga preso.

Magugunita na sina Dargani at Ong ay inaresto ng Senado dahil sa pagtatago umano ng mga impormasyon ukol sa multi-billion PS-DBM deal o pagbili ng medical supply para sa frontline health workers. (Josephine Patricio)