Advertisers
NAGULAT ang ilang residente sa biglang pagliyab ng tubig mula sa kanilang ginagawang poso nitong Linggo sa Dipaculao, Aurora.
Ayon sa ulat, 4:00 ng hapon nang bumulwak ang tubig sa nasabing poso.
Nagkakatuwaan pa ang mga residente habang ginagawa ang poso. Ikinagulat na lang nila ang biglaang pagliyab na umabot sa sampung talampakan ang taas.
Agad nilang pinatay ang apoy gamit ang lupa at putik.
Kanilang ipinaalam sa mga awtoridad ang pagliyab ng tubig sa poso.
Inaalam pa kung ano ang sanhi ng pangyayari.