Advertisers
TUMANGGAP ng dalawang parangal noong nakaraang linggo ang Iloilo City kungsaan kinilala ang pagiging bike-friendly ng naturang siyudad.
Pinarangalan noong Nobyembre 25 bilang most bicycle-friendly city ang Iloilo City sa Mobility Awards 2021.
Inorganisa ang mobility awards ng Institute for Climate and Sustainable Cities, The Climate Reality Project Philippines, MNL Moves, 350.org Pilipinas at ng Pinay Bike Commuter Community.
Samantala, muling pinarangalan noong Nobyembre 26 ang lungsod ng gold award sa ginanap na National Bike Day, Bike Lane Awards 2021.
“[The Bike Lane Awards recognizes] exemplary efforts of the local government units [that] have pushed for active transportation through the establishment of new infrastructure and the implementation of various support programs in the last two years,” saad ni Mark Steven Pastor, Asst. Secretary for Road Transport and Infrastructure.
Ikinatuwa naman ni City Mayor Jerry Treñas ang pagkilala sa kanilang lungsod, at nangakong ipagpapatuloy nila ang proyekto para sa mga nagbibisikleta.
“I believe that bike lanes contribute more space on the road and create the feeling of safety for many people who would like to bike. We look forward to having more safe, open spaces for the Ilonggos,” ani Treñas.