Advertisers

Advertisers

Janitor pinatay ng kainumang sekyu

0 525

Advertisers

NAUWI sa pamamaril ang kantiyawan sa gitna ng inuman sa bubungan sa isang condominium sa Barangay San Lorenzo, Makati City, Martes ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Ronald Tolo, 38 anyos, stay-in na janitor sa gusali.

Bumagsak si Tolo mula sa bubungan ng 8-palapag na gusali sa Sotto St.



Ito’y matapos siyang pagbabarilin ng kainumang security guard na si Dionisio Tabla, 51.

Ayon kay Police Major Jay Ar Fajardo, hepe ng Ayala Substation, sa gitna ng inuman para sa kaarawan ng isang kasamahan ay kinantiyawan ng biktima ang salarin.

Sabi ng pulis, napaatras ang biktima sa bakod ng bubong nang bumunot ng baril si Tabla. Sinubukan rin umakyat ng biktima sa bakod nang barilin siya.

Nahuli ng mga pulis si Tabla habang tumatakas sa Rada Street, ilang kanto mula sa insidente.

Natagpuan naman ang ipinamaril na caliber .38 sa kumpol ng damo sa isang kalapit na gusali.



Ayon sa pulis, personal na baril ito ni Tabla at hindi service firearm.

Depensa ni Tabla, binwisit siya ng biktima at hindi na niya napigilan ang sarili dahil nakainom. Wala aniya silang dating alitan.(Gaynor Bonilla)