Advertisers

Advertisers

Mayor Velasco, tuloy-tuloy ang serbisyo para sa progreso ng Torrijos, Marinduque

0 310

Advertisers

KAHIT araw ng Sabado, sama-sama ang mga kabataan sa Municipality of Torrijos, Marinduque Province kamakailan na dumalo sa ginanap na leadership training sa pangunugan ni Torrijos Mayor Lorna Velasco kamakailan.

Nagkaroon ng “Leadership Training and Team Building with Teenage Pregnancy Awareness Campaign” sa Torrijos, Marinduque upang mas mabigyan pang-unawa ang mga ibang usapin at bagay na malaki ang partisipasyon ng mga kabataan.

“Lalo na po ngayon na pandemya, ilan sa dulot nito ay ang maagang pagdadalang tao ng ilang kabataan sa murang edad. Kaya nararapat po na bigyan natin ito ng pansin, at makabayan ang ating mga kabataan ng husto,” pahayag ni Mayor Velasco.



Dahil na din sa pandemya, ayon sa World Health Organization (WHO) ay lumubo ang mga kabataan na nagbubuntis na dapat magabayan ng tama at mabigyan edukasyo ang mga kabataan tungkol sa mga ito.

“Patuloy po natin gagabayan ang mga kabataan ng Torrijos upang mas mapaganda ang kanila buhay sa hinaharap. Nararapat na kalinga ay dapat natin maibigay upang makatulong din sa kanilang mga magulang,” dagdag ni Velasco na inaasahang muling masusungkit ang pagka-alkalde dahil sa magandang performance nito sa Municipality of Torijos.