Advertisers
TINATAYANG nasa 11,000 puno ng marijuana na may katumbas na halagang P2.2 million ang nabunot sa bahagi ng Sitio Asmakul-Basag, Barangay Sinapulan, Columbio, Sultan Kudarat nitong Martes ng madaling araw.
Sa ulat, isinagawa ang naturang opersyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA 12) katuwang ang Columbio PNP.
Patuloy naman ngayong pinaghahanap ng mga otoridad ang dalawang suspek na sina alyas Vincent Estrada at alyas Virgel na hindi naabutan ng mga operatiba nang isagawa ang operasyon.