Advertisers

Advertisers

Sa gitna ng banta ng Omicron variant…Face shield ‘di na kailangan – WHO

0 503

Advertisers

HINDI na kailangan ibalik ang mandatory na pagsusuot ng face shield sa gitna ng banta ng Omicron variant ng covid-19.

Ayon kay WHO representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, ang mahalaga ay ang pagsunod sa minimum health protocols tulad ng social distancing, tamang pagsusuot ng face mask at paghuhugas ng kamay.

“As long as these minimum public health protocols are complied with and we ensure that people do not congregate in closed settings…face shields, at this point, is not mandatory because we are still looking at and understanding the transmission dynamics of the Omicron variant,” ani Abeyasinghe.



Magugunitang binawi na ng pamahalaan ang mandatory use of face shield para sa mga lugar na nasa alert level 1, 2 at 3, subalit hinimok pa rin ni Acting Spokesman Karlo Nograles ang mga mamamayan na ipagpatuloy ang paggamit ng face shield upang magkaroon ng dagdag na proteksyon.

Samantala, sinabi ni Sec. Carlito Galvez na pinag-aaralan nila ang posibleng pagbabalik ng mandatory use of face shield, na sang-ayon din umano si Health Secretary Francisco Duque III, sa gitna ng posibleng pagpasok sa bansa ng Omicron variant. (Jonah Mallari)