Advertisers

Advertisers

UTAK’ NG WAHANA SCAM TIMBOG SA QC

0 311

Advertisers

ARESTADO ang isa sa mga mastermind ng multi-million peso Wahana investment scam sa Fairview, Quezon City.

Matapos ang ilang taon pagtatago, natunton ng Criminal Investigation and Detection Group – National Capital Region (CIDG NCR), sa tulong ng Armed Forces of the Philippines (AFP), si Maria Raisa Yap at ang kanyang asawang si dating Police Corporal Michael Yap.

Ayon sa mga pulis, nakakuha ang mga suspek ng milyun-milyong piso mula sa mga pulis, sundalo at iba pang nasa serbisyo.



Wanted si Maria Raisa sa 82 counts ng estafa.

“Nag-conduct tayo ng manhunt operation against sa co-founder ng Wahana investment scam at luckily with the help of the AFP counterpart, na-locate natin at naaresto, sinerve natin ang warrant of arrest against Raisa Yap,” ani Police Colonel Randy Glenn Silvio, regional chief ng CIDG NCR.

Giit naman ni Michael na biktima lang siya ng nasabing scam habang si Maria Raisa ay sinabing wala siyang kinalaman sa Wahana.

“Wala po ako talagang kasalanan. Nadamay lang ako sa asawa ko po. Doon sa Wahana daw po naglagay daw siya ng pera doon pero hindi po ako involved doon po. Malinis ang konsensiya ko. Wala akong kinalaman,” ani Maria Raisa.

Inaresto rin ang bayaw nitong si Dante Paradas.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">