Advertisers
KAPWA nasawi ang mga driver ng dalawang motorsiklo sa vehicular accident sa probinsya ng Cotabato.
Kinilala ang mga nasawi na sina Hermigildo Buenaflor at Nilo Sangco, kapwa residente ng President Roxas, Cotabato.
Ayon sa ulat ng President Roxas PNP, galing si Buenaflor sa town proper na nanood ng Christmas lights decorations at papauwi na sakay ng motorsiklo angkas ang kanyang asawa at anak. Ngunit pagsapit nila sa bahagi ng Brgy Labuo ay nakabangga nito ang kasalubong na motorsiklo na menamaneho ni Sangco.
Naisugod pa ang mga sugatan sa ospital pero idineklara rin itong dead on arrival ng mga doktor.
Sinabi ng ilang residente na walang ilaw ang motorsiklo ni Buenaflor kaya nakabangga nito ang kasalubong na motor.