Advertisers

Advertisers

9-anyos ni-rape ng bespren ni Daddy, namatay

0 279

Advertisers

NAMATAY ang siyam na taon gulang na babae makaraan ang dalawang araw nang matagpuang sugatan sa Barangay Taculing .

Ayon sa ulat, natagpuang sugatan ang bata noong Linggo sa bakanteng lote kungsaan ginahasa ito ni Sherwin Trava, 32, kaibigan ng kaniyang tatay.

Sinabi ng awtoridad, nagtungo si Trava sa bahay ng biktima dahil kaibigan nito ang ama, pagkatapos ay niyaya nito ang bata na sumama sa kanya upang bumili ng tinapay.



At dito na nito ginawa ang panggagahasa sa paslit.

Umamin si Trava na nabaling lang nito sa bata ang galit nang makitang papasok umano ang kanyang nobya sa isang lodging house.

Tatlong beses umano nitong hinampas ng bato sa ulo ang biktima bago tumakas.

Itinanggi rin ni Trava na ginahasa niya ang bata.

Ngunit lumabas sa medikal na pagsusuri na nagahasa ang bata.



Isinugod agad ang bata sa ospital subali’t namatay ito makalipas ang dalawang araw dahil sa natamong head injury.