Advertisers

Advertisers

Babaeng nagbebenta ng pekeng bahay at lupa arestado sa Cavite

0 246

Advertisers

ARESTADO sa entrapment operation sa Cavite ang 63-anyos na babae na nagpapanggap na konektado sa Pag-IBIG Fund at nagbebenta ng mga bahay at lupa na hindi naman totoo.

Kinilala ang nadakip na si Trinidad Dumpit, 63 anyos.

Sa report, inaresto si Dumpit ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police.



Sa video, nilapitan ng mga awtoridad si Dumpit nang tanggapin ang “markadong pera” na ibinigay ng isa niyang biktima.

Nang maaresto ang suspek, lumapit narin ang iba pa niyang nabiktima.

Ayon sa pulisya, modus ni Trinidad na magpakilalang konektado sa Pag-IBIG Fund, at iaalok sa mga biktima ang mga foreclosed property sa mas murang halaga pero hindi ito totoo.

Inihayag naman ng Pag-IBIG Fund na hindi konektado sa kanila si Trinidad.

Sa pagtaya ng pulisya, umaabot sa P10 milyon ang nakuha ni Trinidad sa unang grupo ng kaniyang mga nabiktima na kinabibilangan ng overseas contract workers at kawani rin ng gobyerno.



Tumanggi magsalita ni Dumpit at ang abogado lang daw niya ang sasagot sa mga tanong ng mga nagrereklamo laban sa kaniya.

Nagpaalala ang pulisya sa mga nais na magkaroon ng bahay na tiyakin sa kinauukulang ahensiya ang property na bibilhin at kilalanin ding mabuti ang katransaksiyon.