Advertisers

Advertisers

Malawakang national vaccination drive kontra COVID-19 extended hanggang Dec. 3

0 175

Advertisers

PINALAWIG ng pamahalaan ang 3 days na National Vaccination Day: Bayanihan Bakunahan.

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., palalawigin ang malawakang pagbabakuna laban sa nakahahawang sakit hanggang sa Biyernes, December 3.

Binigyan-diin ni Galvez Jr na target mabakunahan ang siyam na milyong Filipino sa kasagsagan ng inoculation drive.



Base sa huling datos ng National Vaccination Operations Center (NVOC), umabot na sa mahigit 5.3 milyong indibidwal ang nabigyan ng bakuna kontra COVID-19. (Josephine Patricio)