Advertisers

Advertisers

Mas mababa sa 500 na daily COVID-19 cases bago mag-Pasko – OCTA

0 199

Advertisers

INAASAHAN ng grupong OCTA Research na aabot na lamang sa less than 500 ang maitatalang mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa kada araw, pagdating ng Pasko.

Ayon sa naturang independiyenteng grupo ng mga eksperto, nitong nakalipas na pitong araw ay nasa 700 na lamang ang average cases na naitatala sa bansa.

Bumaba na rin umano sa 150 ang 7-day average sa Metro Manila.
Ilang lokal na pamahalaan na rin ang wala na o may pailan-ilan na lang na COVID-19 cases.



Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA, nakatulong sa pagbaba ng kaso ang tuluy-tuloy na pagbabakuna laban sa COVID-19.

Pahayag pa ni David, kung walang banta ng Omicron, maaari nang ibaba sa Alert Level 1 ang ilang lugar.

Mahigpit pa rin naman ang paalala niya na dapat sundin ang minimum public health standards upang hindi na muling magkaroon ng hawahan sa COVID-19.

“Siyempre mahalaga ang patuloy na pagsunod natin sa minimum public health protocols kasi nakita naman natin sa ibang lugar tulad sa Europe, ‘pag inalis ang face mask mandate, nagkakaroon pa rin ng pagtaas ng kaso,” ani David.

Nitong Martes, Nobyemre 30, 2021, matatandaang nasa 425 na lamang ang bagong kaso ng COVID-19 na naitala ng Department of Health (DOH) sa bansa. (Andi Garcia)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">