Advertisers

Advertisers

P.5m reward sa ‘killer’ ng ex-bgy. kapitan sa Pampanga

0 218

Advertisers

NAG-ALOK si San Simon acting Mayor Leonora Wong ng P500,000 pabuya sa sinumang makapagtuturo sa pumatay kay dating Concepcion chairman Rogelio Salvador, Jr.

Ayon kay Wong, nais niyang malaman kung sino ang nasa likod ng pananambang kay Salvador at sa dalawa pa nitong kasama kaya nag-alok siya ng malaking reward.

Nangyari ang pananambang sa Bambang Road sa Barangay San Miguel kay Salvador at nasawi rin ang kaniyang driver at isa pang kasama sa loob ng kanilang SUV.



Inaalam pa ng mga imbestigador kung may kaugnayan sa pulitika ang krimen dahil kakandidatong konsehal si Salvador sa kanilang lugar.

Ayon kay Wong, walang rekord na sangkot na iligal na aktibidad ang mga biktima.