Advertisers

Advertisers

P20m halaman nilimas sa Koronadal

0 248

Advertisers

TINATAYANG nasa 20 million pesos na halaga ng Philodendron Variegated Billietiae na pagmamay-ari ng Bedrock Ornamental Plant Farm ang ninakaw noong Nov. 28 ng madaling araw sa Koronadal City .

Ayon kay Sheila Trinidad, nagmamay-ari ng nasabing ornamental farm, Linggo ng gabi ay nag-live selling pa sila ng kanilang mga binebentang halaman at nagulat nalang ang mga ito kinaumagahan na wala na ang isa sa mga iniingat-ingatan nilang halaman.

Ayon kay Trinidad, matagal nang pinagplanuhan ng mga magnanakaw na kunin ang nasabing halaman dahil kabisado na nito ang kanilang gagawin at nagawan ng paraan na akyatin ang mataas na bakod na may concertina o military barbed wire.



Dagdag ni Trinidad, nakunan ng CCTV ang isa sa mga nagnakaw ng nasabing halaman, at handa itong magbigay ng kalahating milyong pisong pabuya sa kung sino man ang makapagbibigay ng impormasyon sa mga responsable sa naganap na pagnanakaw.