Advertisers

Advertisers

P5-trillion National Budget sa 2022 pasado na sa Senado

0 248

Advertisers

PASADO na sa ikatlo at huling pagbasa ang 2022 General Appropriations Bill (GAB) na nagkakahalaga ng P5.024-trilyong badyet sa naging pagtalakay ng Senado.

Nasa 22 senador ang pabor sa panukala, habang wala namang kumontra mula sa miyembro ng kapulungan.

Pero sa halip na isa-isa pang isalang sa debate ang mga mambabatas, para sa kani-kanilang amiyenda, inihanay na ito ni Senate committee on finance chairman Sen. Sonny Angara, para isahang pag-usapan ang mga detalye ng panukala.



Agad naman ang naging pagpasa nito dahil una na itong sinertipikahan ng Pangulong Rodrigo Duterte bilang urgent measure.

Sa naipasang bersyon, binigyan ng dagdag na pondo ang Department of Health (DoH) para sa patuloy na pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Mula sa P182 bilyong inilaan ng Kamara, ginawa nila itong P230 bilyon, kung saan P50 bilyon ang para sa special risk allowance (SRA) ng health workers.

Habang ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay ginawang P10.8 bilyon mula sa inisyal na P4 bilyon lamang na napag-usapan sa mga nakalipas na pagdinig.

“May pagbabago man sa mga detalye at mga halaga, hindi pa rin nagbabago ang pinaka-adhikain ng ating panukalang badyet—na magsilbi itong pangunahin paraan para ipagpatuloy ang pag-ahon ng bansa mula sa pandemiya,” wika ni Angara, chairman ng Senate Committee on Finance kaugnay sa ginawang pag-amiyenda sa bersyon ng GAB na inaprubahan ng House of Representatives.



“The situation is still developing. There is still much we don’t know yet about the new variant. We have to be prepared for the worst case scenario But now that cases are quickly being identified across the world, thankfully we are still in a position to make sure that we will be ready, should the Omicron variant reach our shores,” dagdag pa ni Angara. (Mylene Alfonso)