Advertisers

Advertisers

Sen. Imee inamin nasaktan sa mga batikos ni PDu30 kay Bongbong

0 248

Advertisers

INAMIN ni Senador Imee Marcos na nakadudurog ng puso ang mga naging pagbatikos ng Pangulong Rodrigo Duterte kay Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa 2022 national elections.

“Frankly, we were heartbroken by the almost violent reaction of the President,” pahayag ni Imee sa isang panayam sa kanilang probinsya sa Ilocos Norte.

“We are not the enemy. That is very, very clear. We’ve been allies, we’ve been supporters, and it goes way back,” paglilinaw pa ng senadora.



Matatandaang lantarang tinawag ni Pangulong Duterte na “spoiled” at mahinang lider si Marcos Jr., na running mate ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte para sa halalan sa 2022.

Nilinaw pa ni Duterte na hindi naman siya naninira pero talaga aniyang “spoiled” si Marcos Jr., dahil nag-iisa itong anak na lalaki.

Aminado pa ang Punong Ehekutibo na magaling magsalita ng English si Marcos pero kung duda siya kung kaya nitong humarap sa krisis dahil isa aniya itong mahinang lider at mayroong mga bagahe. (Mylene Alfonso)