Advertisers

Advertisers

3-biyahero mula sa S. Africa walang sintomas, bakunado at naka-quarantine sa Negros Occidental

0 188

Advertisers

SINABI ng Department of Health (DOH) na kasalukuyan nang naka-quarantine sa Negros Occidental ang tatlong biyahero mula sa South Africa, kung saan unang nadiskubre ang pinangangambahang Omicron variant ng COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, base sa kanilang mga natanggap na ulat, ang mga naturang biyahero ay pawang fully-vaccinated naman at hindi nakikitaan ng anumang sintomas ng COVID-19.

Sinabi ni Vergeire na ang mga biyahero ay na-cleared ng Bureau of Quarantine (BOQ) nang dumating ang mga ito sa bansa noong nakaraang linggo, kung kailan ang South Africa ay kabilang pa sa “green list” o yaong itinuturing na low-risk countries.



Sa ngayon aniya ay inaantabayanan pa ang resulta ng RT-PCR test ng mga biyahero habang mino-monitor din ang kalagayan ng mga ito.

Matatandaang dahil sa banta ng Omicron variant ng COVID-19, ay una nang nagpatupad ang pamahalaan ng temporary suspension ng mga inbound flights mula sa South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini, Mozambique, Austria, Czech Republic, Hungary, the Netherlands, Switzerland, Belgium, at Italy mula Nobyembre 28 hanggang Disyembre 15. (Andi Garcia)