Advertisers
ILOILO CITY – Patay ang walong rebelde sa engkwentro sa pagitan ng militar sa Barangay Alimodias, Miag-ao, Iloilo.
Ayon kay Brig. Gen. Marion Sison, commander ng 301st Infantry Brigade ng Philippine Army, posibleng madagdagan pa ang bilang ng casualties dahil nagpapatuloy pa ang operasyon sa lugar.
Ayon kay Sison, gumamit ang tropa ng gobyerno ng artillery, land at air assets upang matunton ang tinatayang 70 rebelde na nagsasagawa ng pang-aatake bago ang 53rd founding anniversary ng Communist Party of the Philippines sa Disyembre 26.
Nabatid na mga kasapi ng Southern Front at iba pang miyembro at regional officers ng Komiteng Rehiyon-Panay ang nakasagupa ng militar.(Mark Obleada)