Advertisers

Advertisers

Covid update: 564 bagong kaso; 694 gumaling; 40 nasawi

0 374

Advertisers

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 564 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Huwebes, Disyembre 2.

Samantala ay mayroon namang naitalang 694 na gumaling at 40 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.5% (15,188) ang aktibong kaso, 97.7% (2,769,533) na ang gumaling, at 1.72% (48,752) ang namatay.



Ayon sa pinakahuling ulat, 2 mga laboratoryo ang hindi operational noong November 30, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 5 labs na ito ay humigit kumulang 0.9% sa lahat ng samples na naitest at 0.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)