Advertisers
HINDI na umabot ng buhay sa ospital ang isang negosyante nang pagbabarilin sa loob ng kaniyang sasakyan sa Minglanilla, Cebu.
Kilala ang biktima na si Jimmy Hernandez mula sa Mandaue City.
Sa ulat, sakay ng SUV si Hernandez kasama ang kaniyang asawa at kasambahay nang tapatan sila ng riding in tandem at pagbabarilin ang biktima Linggo ng hapon sa highway sa Barangay Lipata, Minglanilla.
Napatigil ang sasakyan ng biktima sa gilid ng kalsada at dumagsa ang mga tao para alamin ang kalagayan ng biktima.
Nahuli-cam sa CCTV sa lugar ang pagsabay ng motorsiklo ng mga salarin sa sasakyan ng biktima.
Lumilitaw na kalibre .45 na baril ang ginamit ng angkas sa pagbaril kay Hernandez.
Personal na galit at away sa negosyo ang mga tinututukang motibo ng mga awtoridad sa posibleng ugat ng krimen