Advertisers

Advertisers

‘No vaccine, no work’ policy ipinatitigil ng Kamara

0 627

Advertisers

IREREKOMENDA ng House Committee on Labor and Employment sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang agarang suspensyon ng “No COVID-19 vaccine, No Work” policy.

Ito’y matapos na ring bigong dumalo ang mga miyembro ng IATF upang mabigyang linaw ang katanungan ng mga mambabatas sa IATF resolutions 148-B at 149 o mandatory COVID-19 vaccination para sa on-site worker.

Diin ni TUCP Partylist Rep. Raymond Mendoza, iligal ang naturang kautusan dahil hindi ito galing sa Kongreso.



Ang mga ganitong malawakang kautusan ay aniya dapat na manggagaling mismo at ipasa ng Kongreso para ma-legalize.

Dagdag pa nito na imbes na gawing mandatory ang bakuna dapat ay i-educate na lamang ang publiko tungkol sa benepisyo ng COVID-19 vaccines.

Kinatigan naman ito ng chairman ng komite na si 1-PACMAN Partylist Rep. Eric Pineda at sinabing hindi nga napag-aralan ng mabuti ang dalawang resolusyon.

Kasabay nito ay pinatitiyak ng kongresista na haharap na ang mga opisyal ng IATF sa susunod na pagpupulong ng komite. (Henry Padilla)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">