Advertisers

Advertisers

Director ng ospital patay sa ambush

0 418

Advertisers

CAGAYAN DE ORO CITY – Nabigong maisalba ng mga kasamahang doktor ang kanilang medical director na tinambangan ng motorcycle in tandem sa 12th-29th St., Barangay Nazareth, Cagayan de Oro City.

Kinilala ni Maj. Evan Viñas, tapagsalita ng Cagayan de Oro City Police Office ang biktima na si Dr. Raul Andutan, at opisyal ng Maria Reyna-Xavier University Hospital sa lungsod.

Samantala sugatan si John Mark Galario nang mabanga ng doctor ang minamaneho nito motorcycle.



Ayon kay Viñas na papunta sana si Andutan sa ospital sakay ng kanyang pribadong sasakyan na nanggaling sa kanilang bahay sa Barangay Macasandig nang biglang umatake ang motorcycle in tandem at agad itong binaril ng tatlong beses gamit ang kalibre .45.

Sa report, nagtamo ng tatlong tama ng mga bala ang biktima partikular sa kanyang leeg na maaring dahilan ng agaran nitong pagkasawi.

Dagdag pa ni Viñas, natagalan pa bago madala sa mismong ospital ang biktima kaya hirap nang maisalba ang buhay nito .

Hindi pa matukoy ng mga otoridad kung ano ang motibo kung bakit pinaslang ang biktima kaya nagpapatuloy pa ang kanilang puspusang imbestigasyon.

Sa ulat, pagmamay-ari ng mga madre at paring Katoliko na nakabase sa siyudad ang ospital na pinamamahalaan ni Andutan.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">