Advertisers

Advertisers

Empleyado ng LTO, huli sa pagbebenya ng pekeng lisensiya

0 238

Advertisers

Arestado ang isang empleyado ng Land Transportation Office (LTO) nang magbenta ng pekeng lisensya sa Barangay Bukal Sur, Lucena City.

Kinilala ang suspek na si Jose Manalo Campos Jr., 67.

Sa ulat, nahuli Campos sa entrapment operation na ikinasa ng mga otoridad.



Ayon sa report, inireklamo ng mga biktima ang suspek nang humingi ng limang libong piso para sa kanilang professional drivers license.

Agad nagkasa ng operasyon ang mga pulis kung saan naaresto ang suspek matapos tanggapin ang boodle money.

Nakakulong na ang suspek sa Candelaria Municipal Police Station at nakatakdang kasuhan.